Ang Idol Ko

Poem By Paul Angelo Villena

Ma,
'Andito na si papa!
katatapos lang
sa concert ng beer.


Dala pa niya
ang kanyang mga fans-
naggagandahang mga babae,
super fans talaga sila
ni papa, ano?
kasi,
lagi ko
silang nakikita-
nagpapaautograph kay papa
sa loob ng kwarto


Ma,
salubongin mo na si papa
dali,
gusto kong makita uli
ang pinakaaabangan kong
exclusive na concert
dito sa bahay-
ang duet n'yo ni papa.


Ang galing talaga n'un
sa bawat birit mo,
sinasagot ka'gad ni papa,
itinatayming pa n'ya
sa paghampas
ng mic,
stereo at speaker
sa iyo-
pak, pak, bog,
tsak, pak, pak!
pero
'di ba para sa drums lang 'yon?
'di bale na,
ang galing naman ng performance n'yo.


Ma,
ang galing talaga ni papa,
idol ko siya,
paglaki ko
gusto kong maging katulad n'ya-
isang mahusay na performer.

Comments about Ang Idol Ko

There is no comment submitted by members.


Rating Card

5 out of 5
0 total ratings

Other poems of VILLENA

Mister Ant

Oh ant!

Oh mister ant

Monster..?

Walk, walk
as the world
wants you to walk.
Fly, fly

Letting The Tummy Speaks For The Heart

Let's have snack my dear-
here's a soup of love i have prepared
and cookies embedded with sweetness,
for you and me to share.

Pag-Eskwela Ni Intoy

It pag-eskwela ni Intoy
baga-baga hini-
magmamata hin sayo
para makag-alog

An Uru-Istorya Han Mga Parag-Isda Didi Ha Amon

Hahay,
ini na at' kabutangan
buru-balyo la
hin panggobyernohan,

Robert Frost

Stopping By Woods On A Snowy Evening