Dapithapon

Minsan ay nangyari yaong pagsibol
Sa pagbuka ng liwayway
Haring araw ay mistulang nangunguyakoy
Sa saliw ng musika ng pagsalubong

Pagdaan ng araw at maraming tagsibol
Iindayog isayaw mo ang iyong isipan
Gawin ang lahat ng kapakipakinabang
Iyong buhay ay pilak wari'y pagbunyian

Igalaw buong katawan na para sa kagalakan
Mag-isip na tila musika na me aliwan
Humalakhak kahit walang kapararakan
Sundin ang sariling kaligayahan

Isang araw darating yaong taglagas
Parang isang punong namamaalam
Dapithapon ay darating minsan lamang
Di ba't marahil masarap alalahanin ang nagdaan ng mayroong ngiti sa kalangitan.

Copyright © Grace Svensson
January 22,2018

by Grace Svensson

Other poems of SVENSSON (45)

Comments (2)

I love your intro so much! Very good use of metaphors in this piece. A 10 FOR ME
Grace, such a heartwarming poem... nakagagalak sa kaibuturan ng puso at damdamin👍👍👍