Hagkan

Tila sa balintataw na lamang mapagmamasdan
Mga sandaling nanggaling mula sa nakaraan
Mga paghalakhak, munting paghikbi't mga takbuhan
Para bang nangyari, kahapon lamang

Nuong ika'y isinilang mundo'y napuno ng kaliwanagan
Na tila ba walang hangganan
Aking mga mata'y sayo nakatutok lamang
Ikaw ang aking langit nais laging alayan

Masakit mang isipin, mahirap damhin
Ngayun ako'y iyong inaalala paminsan-minsan na lamang
Ako'y iyong inuhaw sa kalinga't pagmamahalan
Asan ka ngayon ako'y may maraming katanungan

Sumasaglit pa ba ako sa iyong isipan?
O ako'y tuluyan ng kinalimutan?
Nais pakatandaan ako'y iyong Ina lamang
Na laging maghihintay at sabik sa iyong hagkan.

Copyright © Grace Svensson
January 22,2018

by Grace Svensson

Other poems of SVENSSON (58)

Comments (3)

Salamat Aya ❤️ Salamat
Your intro and ending are powerful. Mga paghalakhak, munting paghikbi't mga takbuhan Para bang nangyari, kahapon lamang I got killing from these verses!
Your intro and ending are powerful. Mga paghalakhak, munting paghikbi't mga takbuhan Para bang nangyari, kahapon lamang I got killing from these verses! well done, Grace