Isang Pamamaalam...

Kristal na aking iningatan,
pagsintang pinitagan.
Idinuyan sa ulap,
at uyayi ng paglingap.

Ngunit iyong ginurlisan,
humayo ng walang paalam.
At ang puso`y nahilam,
Sa luha ng kataksilan.

Pagsintang likas na mapagbata,
pinagkaitan man at dinusta.
Walang mangyaring makapagdikta,
na kamuhian ang iyong alaala.

Ngunit ika`y naging manhid,
sa pag-aglahi`y walang patid.
At sa damdami`y nabatid.
sa iyo`y wala nang matuwid.

At ang iningatan kong kristal,
nabitiwan ng pusong pagal.
pira-pirasong sa iyo`y natanghal,
naglaho na ang aking PAGMAMAHAL.

by Ela Caballero

Other poems of CABALLERO (2)

Comments (2)

Who needs the letter E anyway! Esra Sloblock
could we have a translation please?