Jen

Hi jen! Kamusta ka na? Sana masaya ka ngayun habang binabasa mo itong liham na pinagbuhosan ko ng oras at pagmamahal naiaalay sau. Pasensya na medyu mahirap siguro mabasahin kasi di ako masyado magaling manangalog, pero kahit katiting na mensaha sana maka abot sa puso mo at maramdaman mo kung gano ito ka totoo.

Jen, naalala at alam mo ba yung una nating pagkikita ay isa sa pinaka masayang araw sa buhay ko. sabi mo nun 'excuse me, ano pangalan mo? ' nautal pa ako nun, sa gulat ko siguro sa tanong tas dumagdagpa ang kaba habang tinitignan ang maganda mong mga mata buti nalang nasabi ko ang pangalan ko ng diretso tas pabalik kong tanong 'bakit po? ' sagot mo 'wala lang' sa sagot mo na yun biglaan ako napaalis dahil di ko mapagtanto ang nasa isip ko at nararamdaman ko, na combo mo yata ako nun tas 'fatally alvin has fallen inlove' hahaha. minahal na kita nun medyu mahirap paniwalaan pero yung ang totoo 'love at first sight' kuno. Simula noon di kana mawala sa isip ko.

Araw araw kitang pinagmamasdan kahit saan ka man. Pagpasok mo palang andun na ako naghihintay sau umaasa na mapansin at makasabay kita habang papasok sa trabaho pero palagi kang may kasama, pag break maaga ako pumupunta sa bay nio para makita ka umaasa na magkalakas ako ng loob para ayain ka kumain sa labas, tuwing wala akong ginagawa kahit kunting minuto pumupunta ako sainyu para masulyapan ka man lang kahit saglit at hangang uwian umaasa na makasabay at maihatid ka man lang pauwi sainyo.

Araw at buwan ang lumipas di parin gumagalaw ang duwag kong puso at tong takot kong isip, umaasang parang tanga na sa ginagawa kong pagtunganga na masusuklian ng isang pagibig na galing sa isang babaeng pinapangarap ko. Isa akong duwag! Sabi ko sa sarili. Habang iniisip ko ang mga araw na lumilipas na pwede ako mawalan ng pagkakataon na maiparamdam sau na minamahal kita.

Isang araw nabigyan ako ng pagkakataon na makausap ka tuwang tuwa ako nun, pero ito ay sa internet lamang sabi ko sa sarili ko kahit internet lang to pwede mo parin maparamdam na mahal mo siya. at yun na nga nakausap kita ng medyu masinsinan, pero kahit sa internet lamang wala parin akong lakas na loob para kausapin ka at masabi ang totoo. Isa parin akong duwag. Sa araw araw natin paguusap hirap parin ako na sabihin ang nararamdaman ko tas biglaan kong naisip na wala naman mawawala sakin at kung sakali man akoy tangihan, kailangan ko lang tiisin o tangapin kaysa masisi sa huli na di ko man lang na bangit na gano ka kaimportante sakin at yun na nga tinanong ko sau na kong pwede ako manligaw at humingi ako na sagutin mo ako ng oo at hindi lamang, sagot mo sakin 'wag muna' sobrang sakit sakin yun pero kailangan tangapin at may rason ka naman kong bakit ganun ang sagot mo at naiintindihan kita. Pero sabi mo nga na dapat kong sabihin 'liligawan kita, sagutin mo man ako or not, atleast napakita ko how much i __ you. I won't have any regrets' kaya ako nandito ngayun ginagawa ang lahat para mapakita sau kong gaano ako ka desidido sa ginagawa ko. I Really like you, Jen. At kung di man ako mapagbigyan sa hinihingi ko, di man tau magkatuluyan sa huli isa ka parin sa tao na nagpatibok ng puso ko, sayang lang di kita nakilala ng mas maaga. Salamat

Loving someone deeply gives you strength and courage it also makes our life worth while even though love is only a illusion that each person creates but as far as i see its only me who see this illusion and it makes me sad, i wish i were wrong.

'Love is patient; love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.'

by Alvinzor Flores

Other poems of FLORES (14)

Comments (0)

There is no comment submitted by members.