( / Ashland, Kentucky)

Red Bloody Sky

Ngayong gabi, mahal ko
Sa harap ng iyong bangkay,
Ipinapangako ko
Ipaghihiganti kita!
Wala akong pakialam sa batas
Dahil magmula ngayon,
Ang batas ay nasa aking kamay!
Kaya humanda silang mga pumaslang sayo
Lintik nang walang ganti!
Nag-aapoy ang galit ko
Wala na ang kaluluwa ko
Dahil nasa impiyerno na ito
Unti unting nasususunog kasama
Ng lahat ng pumaslang sayo
Kaya kahit ang Diyos ay di ako mapipigilan
Bukas na bukas, pagsikat ng araw
Ay iisa isahin ko sila
Hahanapin ko kahit matarik na lunga
Wala akong pakialam
Kung papunta man ako sa kanila
Ay matuklaw ako ng ahas!
Dahil hindi ako tatablan ng kamandag nito!
Humanda silang lahat mahal ko
Hinding hinding ako matatahimik
Hangat hindi nababayaran ng buhay
Ang masaklap mong kamatayan!

User Rating: 5 / 5 ( 0 votes )

Langston Hughes

Dreams

Comments (0)

There is no comment submitted by members.