Poem Hunter
Poems
! K A T A L
(May 25,2008 (d day this page was born) / Philippines)

! K A T A L

Poem By Inner Whispers

Pag-sulong ng oras at araw ay lubhang kaybagal
Daig ang labing tatlong taong lumipas na kaytagal
Pag-hihintay sa totong pag-ibig, wagas na pagmamahal
Di man inlintana, malamig na lugar, MAINIT NA KATAL.

Ako ay nasusunog sa init ng pag-ibig mo.
Di ko akalaing ako ay magmahal ng ganito
Napakalinis na pag-ibig ang hangarin ko
Magmula sa ikabuturan ng kaluluwa't puso ko.

Ako ay nasasabik sa iyong masidhing yakap at halik
Hindi ako mahihiyang sabihing nais kitang makatalik,
Yakapin ng mahigpit, ilagay sa aking dibdib at bisig.
Maramdaman nating dalawa katal ng tunay na pag-ibig...
_____________________________________

Sa namutawing kataga, nais kong malunod
Huminga ng malalim...at sayo'ng gusto'y sumunod
Pilit kong pinaglalabanan, katal ng pakiramdam
Ngunit sa aking kaibuturan gusto kita'ng maramdaman....

Nais kong maramdaman init ng iyong kalamnan...
Maramdaman ang nagbabagang init ng iyong puso't kalooban
Magpatangay sa katal ng wagas na pag-ibig
Na lumulukob sa katauhan ko, puso'y ito ang pintig!

Halika...sa aki'ng kandungan ika'y humapon
Init ko'y suklian, katal ko'y pawiin
Damhin ang masidhing pananabik, ito'y namnamin
Magpapaubaya ako ng buong puso at sa katal mo'y pababaon...

(Para kay LYRICA JAYE...)

User Rating: 2,6 / 5 ( 199 votes ) 1

Other poems of WHISPERS (247)

Comments (1)

alam mo maganda ang mga mensahe, Pero Naramdaman mo na ba yon my friend? ano ba! katal?


Comments