(11/07/1975 / Natonin, Mountain Province, Philippines)

Kapag Ang Puso'Y Umibig

KAPAG ANG PUSO'Y UMIBIG
Melvin Banggollay
Tabuk, Kalinga, Philippines
March 13,2008

Kapag ang puso'y tunay na umiibig
Hahamakin lahat ano mang balakid
Maipadama lamang angking pag-ibig
sa iniirog kasawian man ang hatid.

Ang kanyang puso'y laging ligalig
Balisa't inaantok ma'y bukambibig
Pangalan ng binibining pinakaiibig
Pagkat diwa'y sa sinta nakaniig.

Ano mang balakid ay di alintana
na susuungin kahit ikamatay niya
pagkat ang tanging nais sa sinta
ay maipadama pag-ibig sa kanya.

Kahit nga siya ma'y inaalipusta
niyuyurakan ang kanyang kaluluwa
Ng kanyang iniibig ay di nahihiya
na ipakita ang kanyang panata.

Kahit pa tawaging isang pasaway,
Napakatanga, o walang hiyang tunay
dahil laging nakabunto o naka-alalay
at umaasang tanging pag-ibig ay ialay.

Pag-ibig nga naman kung minsa'y
Di maintindihan ang tamis na taglay
na kahit sino ma'y gustong ialay
kahit buhay dahil umiibig na tunay.

by MELVIN BANGGOLLAY

Comments (0)

There is no comment submitted by members.