Mahal Na Kita

SIMPLE LANG NAMAN, ANG AKING GUSTO
SANA ITO AY MAINTINDIHAN MO
HINDI KO SINASADYA, NA UMIBIG SA IYO
BIGLA-BIGLA NA LANG NARAMDAMAN KO ITO

PAANO KO SASABIHIN, IKAW AY INIIBIG
NA DI KA MAGAGALIT O MAGHIHINAKIT
LAGI NA LAMANG KITA'Y INIISIP
HINDI MAPALAGAY, MAGULO TALAGA ANG PAG-IBIG

AKO'Y UMAASA NA SA MULING PAGKIKITA
MALAMAN KO NA KUNG ANO BA TALAGA
KAYA KO PA BA NA IKAW AY DI MAKITA
O HAHAYAAN KO NA LANG BA, NA MAPUNTA KA SA IBA

by randy gajudo

Comments (0)

There is no comment submitted by members.