Minahal Kita Noon, Ngunit Hindi Na Ngayon

bata pa lang ako, ikaw na ang minahal ko
una't huling pag-ibig, ito ang alay ko
nguni't bakit ganito, iba ang pinapakita mo
sabihin mo sa akin, nagkamali ba ako?
at binale-wala mo ang damdamin ko.

puso ko'y huminto, d ko alam kung paano
nabigla din ako, sa ikinilos nito
pag-ibig ko pala, nawala na sau
tumibok sa kung sino
paalam na sa iyo

di ko maintindihan kung ano ang nangyari sa atin,
bakit bigla-bigla na lang, nag-iba ang ihip ng hangin
nawala na lahat, ang ipinangako mo sa akin
kaya ako ngaun ay sising alipin.

di ko ginusto ang lahat ng ito
sasaktan mo lang pala ang batang puso ko
di na maibabalik ng panahon ang iniwan mong sakit
na lagi na lang tangan ng puso kong sawi.

by randy gajudo

Other poems of GAJUDO (12)

Comments (1)

Temporal love...Once hurt, all fall down.