Minsan

Mumunting ako minsang nangarap
Subalit mayroong alinlangan na nalalanghap
Diwa ay gising na ganap
Ano nga ba ang nais na mahagilap?

Si ama ay hamak na namamasukan
Sa pabrikang walang durungawan
Samantalang si inay sa bahay lamang
Ipinipilit nilang ipakain butil ng pagmamahalan

Isang araw ako ay nagtapat
Sinabi ko ang sa tingin ko'y nararapat
Nais kong mag-aral ng maging karapat-dapat
Para kinabukasan natin ay maging sapat

Ako ay nangangakong laging magsusumikap
Lahat ay gagawin, handang maghagilap
Ilalaan buong lakas maging sa isang iglap
Para lamang maabot pilak na pangarap.


Copyright ยฉ Grace Svensson
January 23,2018

by Grace Svensson

Other poems of SVENSSON (58)

Comments (2)

Salamat ng marami Bernard. Ako din natuwa sa tula. ๐Ÿ˜Š
Grace, such an inspiring poem... nakapagbibigay ng pag-asa๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘