BH (07-30-81 / Buffalo, New York)

Pinoy - Dj Kong Baduy

Muli, pinagtagpo kami ng technology,
Ako at ang dati kong kaibigan
Sa email kami’y nagsulatan
Mga kurokuro at karanasan kami'y nagpalitan;
Nagulat ako ng idineklara nyang kami’y magbestfriend.

Maari ba kitang tawagan tanong niya sa text,
Bakit naman hindi, sagot ko sa kanya
At agad-agad tumunog ang aking cell phone
Tumawag ang bago kong best friend!

Nagulat ako sa tinig niya, ang laki ng ipinagbago!
Ang dati kong kaibigan at bagong best friend,
Tinig DJ na! dati, matinis, maliit at tinig bata siya.
Anong ginawa mo’t nag-iba ang boses mo? tanong ko,
Tawa siya ng tawa at ang sabi’y wala!

Nang umuwi siya sa Pinas, at kami’y nagkita,
pilit kong pinagtugma ang tinig at personalidad niya
Subalit dko Makita, sapagkat tulad pa rin siya ng dati,
Siya pa rin ang sinasabi niyang baduy na kaibigan ko.

Maliban sa pagkabaduy na sinasabi niya,
Kina DJ Mo, Joe d Mango, at Mr. Fu wala syang ipinag-iba,
Tinig nila sa personalidad ay di nakikita,
Subalit baduy man ang best friend ko,
Pag di tumatawag miss ko ang boses nya.



Note: para sa isang kaibigang matagal na nawala.

Masked Lady
12.14.09

User Rating: 5 / 5 ( 0 votes )

Maya Angelou

Caged Bird

Comments (0)

There is no comment submitted by members.