Unang Pag-Ibig

Nang aking puso'y unang tumibok
sayo'y nahulog, ako'y rumupok
Kahit di mo pansin, di nagmaliw
kahit imposible, sayo'y nabaliw

Ng pag-asa ako'y di naubusan
Kahit pagtingi'y pinaglipasan
kahit ako pa'y iyong talikuran
makasama ka lang, makikipagbunuan

Ngunit napakatagal nang puro kabiguan
Pag-hahabol ko'y umabot sa sukdulan
di man lang nagpakita kahit ng awa
Ugali mo pala'y talagang nakasasawa

Ang aking pagtingin sa iba ibinaling
Tunay na pag-ibig ang natagpuan
Ako ngayon sa kanya'y nahumaling
unang pag-ibig sa wakas ay nalimutan

ano mang unos pa ang dumaan
hindi na mababali ang pagtitinginan
ano mang hadlang, ano mang dahilan
sana'y di mauwi sa hiwalayan.

by Avery Eglantine

Other poems of EGLANTINE (104)

Comments (1)

lol... seriously - touching too closely... looking forward to the day that I can email this one to my own son.. or maybe that is, he'll email it to me....