Masarap

Matagal na kitang di nakikita
Nasaan ka na kaya?
Kamusta ka na ngayon?
Hinahap kita sa facebook
Sa lahat ng social media
Pero wala ka, di kita mahanap
Mis na kita sa totoo lang

Gustong kong maulit yung gabing iyon
Kung alam mo lang nagenjoy ako
Hinding hindi ko pa nakakalimutan yun
Mahirap kasing kalimutan dahil first time ko

Kaya ang gusto ko lang sa ngayon
Ay magkita tayo, kahit may asawa't an anak ka na
Wala akong paki magmukha man akong kontrabida
Sana mangayari ulit, maulit ba
Yung natikman ko noong gabi
Gusto kong tikman ka ulit hangang sa magsawa
Di ko kasi ma-explain ang lasa
Matamis na maasim, maalat na tamang tama
Matapang ang amoy na kakaiba
Wala pa akong natikman na ganun
Naglalaway na tuloy ako, nananabik

Magkita tayo kung nasaan ka man
Kung nababasa mo man ito
Hinahap hanap kita kung nasaan ka man
Puwede bang ulitin natin?
Puwede bang gawin natin?
Turuan mo ako dun tayo sa kusina ko
Papagurin kita hangang sa sumuko ka
Magiinitin ka pero masasarapan ka

Wag kang mag-alala, tatlo tayo sa kusina
Babayaran naman kita kahit magkano
Please lang, nagmamakaawa ako
O kahit lumuhod pa ako sa harap mo
P
Ipagluto mo lang ako ng Sinampalukang Adobo
Ituro muna rin nang hindi na kita gambalain pa
Sige na, pakiusap lang please...

by Rey Benipayo

Comments (0)

There is no comment submitted by members.