Paano Ba Maging Manhid

Ibig ko sana matutunan
na walang maramdaman
sa tuwing nakikita ko
pagdurugo ng puso mo
mga oras na hinahanap
mo ang kanyang ganda
maamo nyang mukha
marikit nyan mga ngiti
mapungay na mga mata

turuan mo ako mahal ko
paano ang gagagawin
ng puso kong umiiyak
tuwing pinadadama mo
sya ang tunay mong mahal

paano ba ang maging manhid
upang patuloy kitang mahalin
kahit lahat ng luha ko'y masaid
ako ay turuan mo aking giliw
matatanggap ko na itong lahat
tingin man ng iba ako na'y baliw...

by Phoenix1 Smith

Comments (0)

There is no comment submitted by members.