Paglisan

Noong una kitang makita,
Ika'y nakikipagsapalaran at puno ng tuwa;
Maraming humanga sa galing na ipinakita,
At sa pangarap mo, ika'y naniniwala.

Walang dudang ika'y may mararating,
Mas magiging kilala at magniningning;
Lumipas ang panahon at ito'y dumating,
Natupad ang mga bagay na noon ay isa lang hiling.

Ngunit ika'y dumaan sa mga pagsubok na di maiiwasan,
Tanging magagawa mo'y bumangon at patuloy na lumaban;
Ang mga pagbabago'y pinipilit mong malampasan,
Sa tulong ng pangalawang pagkakataon na sa iyo'y inilaan.

At ngayo'y aking nabalitaan,
Ang iyong biglaang paglisan;
Di ko akalaing iyong kahihinatnan,
Kay saklap na pangyayari para sa iyong mga iniwan.

Sa kabila ng pangyayaring ito,
Ika'y di malilimuta't mananatili dito sa aming puso;
Natatanging kaibigan, kapamilya at kapuso,
Na patuloy na magiging inspirasyon dito sa mundo.

Dec.31,2011

by Xian Sutrof

Comments (0)

There is no comment submitted by members.