Hinagpis

pagal
ang katawan sa paglalakbay
dito sa mundong nilisan ng awa
nagpupumiglas
ang aking kaluluwa sa katawan lupang
nilamon
ng bagabag at tinalikdan ng ulirat
kamatayan
lamang ba ang nasa kabilang ibayo
nitong buhay na inaasam
dito sa mundong ibabaw na
nilapastangan
ng pitong batingaw
bingi
ang langit sa alingawngaw sa
sidhi ng pagsusumamo
sukdulan
ang pait na iniwan ng pag-asang
iniukit sa munting isip
at ang bukas kailan may
hindi naging pangako sa
tulad kong tinuldukan ng
kapalaran


_(Sept.04 2011/Philippines)

by Duard Cabral

Other poems of CABRAL (8)

Comments (2)

This poem shows that we run away from our daily lives in our dreams. I feel like this poem speaks of us rushing through our day so we can look forward to going home and living our fantasies. I dont know if it was just me, but i read the poem fast, and i assumed it was intentional (or maybe i just read fast) but in thinking it was intentional I felt a sense of urgency to enter into the next dream, so escape life i suppose! I love poems that make me think... keep your head up!
Far away places to dream for the rest of the soul, nicely done!