JL (24 July 1978 / Davao City, Philippines)

X* Ina Ko

Ina ko


Lahat ng oras ikaw
Siyang gabay pagibig naguumapaw
Kahit anong hirap
Pawis maiahon nagsusumikap
Limot na ang sarili
Maisulong kinabukasan walang paki
Lahat ng sandali ikaw
O Inay ang lagi sa aki’y tumutulong
Gabi man o araw
Lagi kang nakamasid sa aki’y kumakalung
Sa makatuwid nga’y
Hindi na dapat ipaalala kay galing’
Mo o aking ina
Sa lahat ng panahon utang ko ito
Ikaw ang katulong
Sa halip magpahinga’t makaidlip
Sarili di na naisip
Sa'yo Inay tunay mapagmahal
Bigay ka ng Maykapal


Note:
Dedicated to Mrs. Elsa Legaspi Cuestas

User Rating: 3,0 / 5 ( 12 votes ) 1

Comments (1)

Nakikita ko ang sarili ko na cnasabi sa aking ina ang mga salitang iyan..'tunay n mpagmahal, ang sarili'y kinalimutan. Tila parang wala ang mga pasasalamat na binibigay ko sayo ngayon kumpara sa mga gnawa mo para sa akin at sa aking mga kapatid'...sana nga, kahit ang mga munting salitang iyan, mabigkas ko n sa ina ko bago pa mahuli ang lahat. Salamat sa pagpapaalala!